^

Police Metro

Mister dedo sa gulpi ng utol at pamangkin

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 51-anyos na mister ang nasawi matapos itong pagtulungang bugbugin ng kaniyang nakababatang kapatid at pamangking lalaki sa gitna na kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. San Pedro, Cantilan, Surigao del Sur.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Madrid District Hospital ang biktimang si Danilo Luces, dahil sa tinamong mga bugbog sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na nadakip ang mga suspek na sina Arnaldo Luces, 33 at pamangkin ng magkapatid na si Benito Rubi, 31.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga ay duma­ting si Arnaldo sa bahay ng kanilang ina na si Marciana Luces sa nasabing lugar at kinompronta si Danilo hinggil sa luma nilang alitan  na nauwi sa bangayan hanggang suntukin ng biktima ang nakababatang kapatid.

Sa gitna ng  panununtok ng biktima ay tinamaan ang pamangkin nito na si Benito, dito na pinagtulungang  gulpihin ng magtiyuhin ang biktima hanggang sa ito ay bumulagta.

Mabilis na dinala sa pagamutan ang biktima, subalit nabigo nang maisalba ang buhay nito. 

 

vuukle comment

ARNALDO

ARNALDO LUCES

BATAY

BENITO

BENITO RUBI

DANILO LUCES

MADRID DISTRICT HOSPITAL

MARCIANA LUCES

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with