^

Police Metro

Cordillera at Apayao inalerto kay ‘Nando’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kaugnay ng  posibleng epekto ng bagyong Nando kung kaya’t isinailalim na kahapon sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng disaster response units nito sa Cordillera at Apayao.

Ayon sa NDRRMC, nasa heightened alert na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa posibleng epekto ng bagyong Nando kung saan napaulat na nasa 46 katao na ang kasalukuyang stranded sa Bicol Region bunga ng masamang panahon.

Nakahanda na rin ang P212.8 M emergency relief resources ng Department of Social Welfare and Development.

Nakataas ang public storm signal No. 2 sa Batanes Group of Islands, Signal Number 1 naman sa Cagayan, Calayaan, Babuyan Groups of Islands, Apayao at Isabela.

Pinapayuhan rin ang mga mangingisda na iwasan muna ang pagpalaot upang hindi ang mga ito mapahamak at maging ang mga residente na naninirahan sa mga tinaguriang flood at landslide prone areas.

APAYAO

AYON

BABUYAN GROUPS OF ISLANDS

BATANES GROUP OF ISLANDS

BICOL REGION

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NANDO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PHILIPPINE COAST GUARD

SIGNAL NUMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with