^

Police Metro

Bagyong ‘Nando’ nasa PAR na

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuluyan ng naging ganap na bagyo kahapon ang namumuong sama ng panahon na namataan sa silangan ng Dinagat Islands at tinawag itong ‘Nando’.

Nabatid mula sa Phi­lippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA), si ‘Nando’ ay ika-apat na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong buwan ng Agosto at ika-14 na bagyo ngayong taon na tumama sa bansa.

Sinabi ni Jori Loiz, weather forecaster ng PAGASA, dakong alas-10:00 ng umaga nang mamataan si ‘Nando’ sa layong 290 km sa sila­ngan ng Borongan City. Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kada oras malapit sa gitna na inaasahang kikilos pahilaga-hilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Ayon kay Loiz, sa ngayon si Nardo ay hindi pa makaka-apekto ng direkta sa bansa dahil wala pang ‘storm war­ning signals’ na naitaas.

Ani Lois, mino-moni­tor pa rin anya nila ang senaryo na may ibang sirkulasyon ng mga ulap na maaaring sumama kay Nardo at inaasa­hang makapagpapatindi sa lakas nito. Si ‘Nando’ ay inaasa­hang nasa 270 km sa si­langan ng Virac, Catanduanes ngayong Lunes ng umaga.

Sa Martes naman ay inaasahang nasa 340 km sa silangan ng Casiguran, Aurora sa at 310 km naman sa hilaga kanluran ng Aparri, Cagayan sa Miyerkules ng umaga.

 

ANI LOIS

ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL ADMINISTRATION

BORONGAN CITY

DINAGAT ISLANDS

JORI LOIZ

NANDO

NARDO

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SA MARTES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with