^

Police Metro

Death toll sa 2 barkong nagsalpukan: 75 na

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umabot na sa 75 bangkay sa sal­pukan ng dalawang barko sa Cebu matapos na apat ang nakuha kahapon kabilang ang isang putol na ang ibabang bahagi na hinihinalang pinapak na ng mga isda ang narekober ng search and rescue team mula sa lumubog na barkong MV St. Thomas Aquinas 1 sa karagatan ng Talisay City, Cebu noong Agosto 16 ng gabi at 45 na lamang ang  nawawala.

Sinabi ni Lt. Commander Noel Escalona, Opera­tions Officer ng Naval Forces Central tatlo pang bangkay ang narekober ng mga technical divers mula sa loob ng lumubog na barko at ang ikaapat na bangkay ay wala na ang ibabang bahagi na natagpuan naman sa karagatan ng Cordova.

Naniniwala naman si Escalona na 45 pa sa nawa­walang mga pasahero at crew na na-trap sa loob ng na­tu­rang barko.

Nabatid na dalawang diving operations ang isinagawa ng mga divers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard bago inihinto ang operasyon dakong alas-4:00 ng hapon na magpapatuloy ngayong araw.

vuukle comment

AGOSTO

CEBU

COMMANDER NOEL ESCALONA

CORDOVA

NAVAL FORCES CENTRAL

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

ST. THOMAS AQUINAS

TALISAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with