^

Police Metro

Napoles sa Red Notice list ok sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinukunsidera ni Justice Secretary Leila De Lima ang paglalagay kay Janet Lim-Napoles  sa Red Noitce list ng Interpol

Ang desisyon ay bunsod na rin ng patuloy na paghahanap ng mga otoridad kay Napoles na ipinaaresto ng Makati Regional Trial Court dahil sa kasong serious illegal detention. 

Sa oras na mailagay ang isang akusado sa nasabing listahan, maaabisuhan ang may 190 bansang kasapi ng Interpol o International Criminal Police Organization na siya ay pinaghahanap sa Pilipinas. 

Naniniwala naman si De Lima na wala pang indikasyon na nakalabas na ng bansa si Napoles at posibleng mahirapan ito  na makalabas ng bansa dahil kinansela na ng  Deparment of Foreign Affairs ang kanyang pasaporte. 

Samantala, ang Special 4th Division ng Court of Appeals ang hahawak ng Petition for Certiorari na inihain ng kampo ni Napoles kontra sa warrant-of-arrest at si Justice Ramon Garcia ang naatasang magponente sa kaso.

Dito ang Chairperson ng Special 4th Division ay si Justice Amelita Tolentino, habang special member naman si Justice Angelita Gacutan dahil on leave ang junior member na si Justice Danton Bueser.

Hiniling ng kampo ni Napoles na magpalabas ang Court of Appeals ng temporary restraining order laban sa warrant of arrest na inisyu laban sa kanya at sa kanyang kapatid na si Reynald Lim.

COURT OF APPEALS

DE LIMA

DEPARMENT OF FOREIGN AFFAIRS

INTERNATIONAL CRIMINAL POLICE ORGANIZATION

JANET LIM-NAPOLES

JUSTICE AMELITA TOLENTINO

JUSTICE ANGELITA GACUTAN

JUSTICE DANTON BUESER

JUSTICE RAMON GARCIA

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with