^

Police Metro

Marikina river itinaas sa alert level 4

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Bunsod ng walang puk­nat na pag-ulan at patuloy na pagtaas ng tubig baha na dala ng bagyong ‘Maring’ at hanging habagat kaya itinaas sa kritikal level o  alert level 4 ang Marikina river kahapon ng tanghali.

Ayon kay Marikina Ma­yor Del de Guzman, ganap na ala-12:45 ng tanghali nang umabot sa 19 meters ang tubig na dumadaloy sa kanilang ilog kaya itinaas nila ang alarma sa number 3 na siyang hudyat para sa mga residente na nakatira malapit sa ilog na kaila­ngan ng lumikas sa mataas na lugar.

Sinabi ni mayor De Guz­man, dahil na rin sa mga nakalipas na karanasan ng mga residente kaya natuto na ang mga ito at hindi na sila nahihirapan para sa pag­lilikas sa tuwing tumataas ang tubig sa Marikina river.

Sa ngayon ay umaabot na sa 521 na pamilya ang nasa mga evacuation center sa Marikina.

Pinawi rin ni Mayor Del ang pangamba ng kanyang mga kababayan hinggil sa pag-release ng tubig ng La Mesa Dam dahil hindi naman apektado dito ang Marikina.

 

AYON

BUNSOD

DE GUZ

GUZMAN

LA MESA DAM

MARIKINA MA

MAYOR DEL

PINAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with