^

Police Metro

Kelot kinalasan ng nobya nagsaksak sa leeg

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinangka ng isang wai­ter na tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang leeg sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City ma­tapos hindi matanggap ang ginawang pagkalas ng nobya sa pamamagitan ng pagtawag sa cell phone.

Ang biktima na kasa­lu­kuyan ligtas na at na­na­natiling na-confined sa Quirino Memorial Me­dical Center (QMMC) ay kinilalang si Danilo Lee Jr. 26.

Batay sa ulat, ganap na alas-7:00 ng gabi nang gawin ng biktima ang pagsaksak sa sarili sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa No. 44 18th Avenue, Barangay San Roque, Murphy, Cubao.

Bago iyon ay nakiki­pag-inuman muna si Lee sa kanyang mga kaibigan sa harapan ng kanyang bahay at nang malasing ay tumawag sa kanyang cell phone ang nobyang si Tintin.

Sa naging pag-uusap ng dalawa ay sinabihan umano ni Tintin si Lee na kailangan na niyang tapusin ang kanilang relasyon at nais na nitong makipag break sa kanya.

Hindi umano matang­gap ni Lee ang desisyon ng nobya kaya’t kumuha ng patalim mula sa kusina saka tinarakan ang sariling leeg. Agad itong isinugod sa naturang ospital ng mga kainuman.

Nabatid mula sa pa­milya ni Lee na ang bik­ti­ma ay may suicidal ten­­dencies kapag ito ay na­­ka­inom ng alak.

vuukle comment

BARANGAY SAN ROQUE

BATAY

CUBAO

DANILO LEE JR.

KANYANG

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL ME

SHY

TINTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with