^

Police Metro

TESDA employees tatanggap ng bonus

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang tumanggap ng ‘Performance Based Bonus’ (PBB) ang mga empleyado ng Technical Education and Skills Deve­lopment Authority (TESDA) dahil sa tagumpay na nakamit ng ahensya.

Sinabi ni TESDA Director General at  Secretary Joel Villanueva, kasama sa kinilalang “Best” na ahensya ng pamahalaan ang TESDA.

Nasa kabuuang 3,654 tauhan ng TESDA sa buong bansa ang tatanggap ng PBB na nagkakahalaga ng hanggang P35,000 bawat isa para sa taong 2012.  Para tustusan ito, naglabas ang Department of Budget and Management ng P31.98 milyong pondo.

Matatandaan na naging epektibo ang PBB sa ilalim ng Executive Order No. 80 ng pamahalaan na naging mataas ang kanilang trabaho na nagdulot ng malaking kita para sa gobyerno.

Umaasa si Villanueva na dahil sa matatanggap na bonus, lalo pang magsisikap ang kanilang mga tauhan para maihatid ang “technical education” sa nakararaming mga Pilipinong nangangailangan upang masolusyunan ang kakulangan sa trabaho ng mga mamamayan lalo na ng mga kabataang Pilipino na hindi makatuntong sa mga kolehiyo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DIRECTOR GENERAL

EXECUTIVE ORDER NO

MATATANDAAN

NAKATAKDANG

PERFORMANCE BASED BONUS

SECRETARY JOEL VILLANUEVA

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with