^

Police Metro

2 umambus kay Decena nadakip

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang katao kabilang ang isang dating pulis ang inaresto sa parking lot ng Guwapotel, Bonifacio Drive, Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon matapos na sila ay positibong itinuro na namaril sa negosyanteng si Cristina Decena sa Quezon City kamakailan.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina dating PO1 Henry Quinones, na miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF), residente ng no. 21 Kingstone Bagumbayan, Caloocan City at Edgardo Betilla ng Barangay Bagsud Poblacion Dos, Daet, Camarines Norte.

Pinaghahanap pa ang isa pang suspek na si PO1 Melvin Waga na nakatalaga sa Eastern Police District (EPD) na siyang humabol at bumaril sa sasakyan ni Decena. Hindi na umano lumulutang si Waga sa kanyang mother unit.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 nang hapon nang maaresto ang dalawang suspek sa nasabing lugar matapos na maispatan ang mga ito na may nakasukbit  ng baril habang papunta sila sa kanilang sasakyan na Honda (XDS 392) na nakaparada sa parking ng hotel.

Nakuha sa pag-iingat ni Quinones ang isang kalibre 45 habang 9mm Berretta naman kay Betilla, laptop at hinihinalang drug paraphernalias.

Sa salaysay naman ni Decena, posibleng ang kanyang dating business partner ang nasa likod ng tangkang pana­nambang sa kanilang mag-ina noong Martes.
“Kasi kapag napatay nila ako wala na yong kasong  land grabbing at falsication na isinampa ko laban sa kanila,” ayon kay Decena.

Nabatid na nasa P220 milyon halaga ng property ang kasong isinampa ni Decena sa ayaw pangalanan na  business partner na isang retiradong pulis.

BARANGAY BAGSUD POBLACION DOS

CALOOCAN CITY

CAMARINES NORTE

CRISTINA DECENA

DECENA

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGARDO BETILLA

HENRY QUINONES

KINGSTONE BAGUMBAYAN

MELVIN WAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with