^

Police Metro

4 Gun for hire napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang apat na lalaki na hinihinalang miyembro ng gun for hire gang nang makasagupa ang elite for­ces ng Philippine National Police (PNP) ka­hapon sa Brgy. Centro Northwest, Solana, Caga­yan.

Batay sa ulat ni Cagayan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Gregorio Lim, dakong ala-1:45 ng hapon ay  nagsagawa ng operasyon sa lugar ang pinagsanib na elemento ng 24th Special Action Company (SAC), 2nd Special Action Battalion (SAB) at 85 SAC matapos na makatanggap ng impormasyon sa presensya ng mga armadong kalalakihan.

Pagdating sa lugar ay agad pinagbabaril ng mga suspek ang mga elemento ng pulisya na nauwi sa bakbakan.

Tumagal ang bakba­kan ng mahigit limang minuto na ikinasawi ng apat na suspek na patuloy pang ina­­alam ang pagkakakilan­lan.

Narekober sa lugar ang dalawang baby arma­lite, dalawang garand rifle at dalawang cal 38 re­volvers.

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

CENTRO NORTHWEST

DIRECTOR P

GREGORIO LIM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SPECIAL ACTION BATTALION

SPECIAL ACTION COMPANY

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with