Dahil sa oil spill... Petron inisyuhan ng CDO
MANILA, Philippines -Bunsod ng naganap na oil spill, kaya inisyuhan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario, Cavite ng Cease and Desist Order (CDO) ang Petron Corporation para matigil na ang ‘underwater operations’ nito.
Ayon kay Rosario MaÂyor Nonong Ricafrente, hanggat hindi nagagawa ang pipeline sa ilalim ng dagat ng Petron ay hindi ito maaaring mag-resume ng operasyon bagamat nauna ng nagpasabi ang kumpanya na magkukusa ng isara at hindi muna gagamitin ang nasabing tubo.
Sinabi ni Ricafrente, hihingi sila ng kaukulang tulong o assistance sa Petron dahil marami umanong naperwisyo ng oil spill na kumalat hindi lamang sa kanilang bayan kundi sa tatlo pang bayan sa lalawigan.
Nangako naman ang pamunuan ng Petron na makikipag-ugnayan sila sa tanggapan ni Mayor RicaÂfrente upang tuÂmuÂgon sa anumang paÂngaÂngailaÂngan ng mga naÂpinsalang residente daÂhil sa oil spill.
- Latest