^

Police Metro

VACC opisyal nakaligtas… 3 tinodas sa restoran

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinaulanan nang bala ng hindi pa mga kila­lang sus­pek ang mga bik­tima habang ang mga ito ay kumakain sa restoran na ikinasawi ng tatlo kabilang ang isang pulis habang nakatakas naman ang target na opis­yal ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na naganap kaha­pon sa isang restaurant sa Gapan City, Nueva Ecija.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Rufino Vendivel, 44, dri­ver; King Jasper Juvinal, estud­yante ng Midway Maritime Academy at PO2 Jefferson Lim, nakatalaga sa Provincial Public Safety Company ng Nueva Ecija Provincial Police Office na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan.

Nasa kritikal na kala­gayan sina Consuelo Manse, 86 at Rodney Garcia, 16-anyos, estudyante.

Batay sa ulat, bandang alas-10:30 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa mga biktima sa loob ng Sizzling Restaurant sa kahabaan ng Brgy. San Lorenzo, Gapan City ng la­lawigan.

Nabatid na kasaluku­yang kumakain ang mga biktima nang biglang dumating ang limang kala­lakihan na lulan ng Toyota Hi Lux na kulay beige na may improvised na plakang TT 1506 at armado ng M16 rifle, cal 45 pistol at M14 rifles.

Agad na pinaulanan ng bala  ang mga bikti­ma, subalit nagawang ma­ka­takbo ang VACC opis­yal na si Elmer Some­ra.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspek at narekober ng mga oto­ridad sa crime scene ang mga basyo ng bala ng naturang mga armas habang natagpuan na rin ang getaway vehicle ng mga suspek sa follow-up ope­ration sa Brgy. Malapit, San Isidro ng nasabing lalawigan.

vuukle comment

BRGY

CONSUELO MANSE

ELMER SOME

GAPAN CITY

JEFFERSON LIM

KING JASPER JUVINAL

MIDWAY MARITIME ACADEMY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with