^

Police Metro

11 bus sinilabanng mga ‘pulis’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang kumpanya ng bus ang sinalakay ng may  sampu hanggang 15 ar­madong kalalakihan at  dito ay sinunog ang nasa 11 unit ng bus kahapon ng madaling-araw sa Pagsanjan, Laguna.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong ala-1:15 ng madaling-araw nang sala­kayin ng mga kalalakihan ang compound ng HM Transport Inc. sa Pagsanjan, Laguna na pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas at nakasuot ng military uniform at nagpanggap na mga pulis.

Walang nagawa ang mga caretaker matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde ay  agad binuhusan ng gasolina saka sinilaban ang 11 yunit ng HM Transport hanggang sa tuluyang magliyab.

Matapos ang panunu­nog ay mabilis na nagsitakas ang mga armadong kalalakihan na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Sa kasalukuyan ay tatlo ang motibo na sini­silip nila sa kaso, una ex­tortion, alitan sa union ng nasabing bus company at business rivalry.

 

vuukle comment

BATAY

ISANG

MATAPOS

PAGSANJAN

SHY

TRANSPORT INC

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with