^

Police Metro

Nene dedo sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Humihingi ng katarungan ang pamilya ng anim na taong gulang na batang babae na namatay nang tamaan ng ligaw na bala dahil sa walang habas na pagpapaputok ng isang lalaki na nagwala matapos na tayuan ng istruktura ang binabantayan nitong lote sa Taguig City.

Hiling ng pamilya na umaksyon na ang Taguig City Police upang mahuli ang suspek na kinilalang si Rommel “Boy” Pag­linawan, na agad tumakas matapos na mapatay sa kanyang pagpapaputok ang biktimang si Kim Aquino noong nakaraang araw ng Linggo.

Nakatakda namang ihatid sa kanyang libi­ngan ngayong araw ang biktima na halos isang linggo ibinurol sa kanyang tahanan sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, lalawigan ng Rizal.

Nasawi si Aquino nang tamaan ng ligaw na bala sa dibdib buhat sa walang habas na pagpapaputok ng suspek sa may Samama Road, Brgy. Napindan, Taguig matapos nagwala  nang malaman na may nagtayo ng istruktura sa bakanteng lote na ipinagkatiwala sa kanya ng mga may-ari.

Matapos ang ginawang pamumutok ng baril, nakita na lamang na nakabulagta at duguan na si Aquino kaya’t kaagad isinugod sa Rizal Medical Center, subalit patay na nang idating doon.

Hindi pa pormal na nakakapaghain ng reklamo sa Taguig Police ang mga kaanak ng biktima na unang inasikaso ang burol at pagpapalibing sa bata.

vuukle comment

AQUINO

BRGY

HUMIHINGI

KIM AQUINO

RIZAL MEDICAL CENTER

SAMAMA ROAD

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with