^

Police Metro

Erap sumabak sa ‘giyera’ vs mga bus na pumasok sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang sumabak kahapon sa giyera si Manila Mayor Erap Estrada nang nakasuot ng camouflage para pangunahan ang panghuhuli sa mga bus na nagbanta na papasok sa lungsod sa kabila na pinaiiral na bus ban.

Dito ay anim na city bus ang tila sinu­bukan si Estrada nang pumasok ito sa Maynila na hindi umubra nang sila ay paghuhulihin ng pinagsanib na puwersa ng Traffic Bureau ng Manila Police District, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB)  at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Mabuhay Rotonda.

Kabilang sa mga hinuli na bus ay ang mga may biyaheng Fairview-Baclaran via Quezon Avenue na Greenline Express (UYC 165); Corimba Express (UVC 499); Thelma Transit (UWE 224); Thelma Transit (UWF 534); Safeway (UVJ 465) at Universal Guiding Star (UVE 231).

Dakong alas-7:00 ng umaga nang  dumating sa Mabuhay Rotonda si Estrada na nakasuot ng camouflage at pinagunahan ang panghuhuli. 

Sa gitna ng kalsada, hinarap nito ang abogado ng mga bus operator mula QC na si Atty. Ferdinand Topacio at EFQBOA Spokesman Jessie Santos kung saan nagpalitan ng pahayag ukolsa kani-kanilang depensa.

Napagkasunduan naman ng mga bus operator at ng may-ari ng  Park  ‘n Ride na si Estellita Javier na kalahati na lamang ang ibabayad na  security bond ng mga bus operator depende sa  bus na pinapayagan ng  city government.

Ayon kay Estrada napilitan na lamang siyang gamitin ang camouflage na uniform bilang paghahanda sa bantang paglusob ng mga bus operators at pagpasok ng mga bus at umaasa na hindi niya muling isusuot.

 

BUS

CORIMBA EXPRESS

ESTELLITA JAVIER

FERDINAND TOPACIO

GREENLINE EXPRESS

MABUHAY ROTONDA

MANILA MAYOR ERAP ESTRADA

THELMA TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with