Feeding bottles sa Divisoria may lason
MANILA, Philippines -Ibinunyag kahapon ng environmentalist group na EcoWaste Coalition na may taglay na lason ang mga ibinibentang feeding bottles sa mga tindahan sa Divisoria.
Kaya’t kanilang piÂnag-iingat ang publiÂko laluna ang mga ina na nagpapasuso sa bote na tiyaking ligtas sa anumang panganib ang mga anak at huwag tatangkilin na bilhin ang mga mumurahing feeding bottles.
Batay sa pananaliksik ng grupo na may ilang mumurahing feeding bottles ang ginamitan ng lead sa paglalagay ng makukulay na disenyo na ipinagbibili sa discount stores sa Divisoria sa halagang P15 hanggang P25 lamang bawat isa na pawang gawang China at may tatak na “Baby Plastic Bottle & Nipple.â€
Natukoy na may lason ang mga nasabing produkto matapos na suriin gamit ang isang handheld X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer, na isang device na maaaÂring tumukoy sa dami ng toxic metals sa consumer products.
Nagtataglay umano ang mga ito ng lead mula 536 parts per million (ppm) hanggang 1,023 ppm, at traces ng arsenic at chromium na mataas din ang antas.
Ang lead ay isang potent neurotoxin o toxicant na nakaaapekto sa developing brain at central nervous system ng isang bata.
Bukod umano sa lead mayroon ding taglay na bisphenol A, phthalates at iba pang mapanganib na sangkap na masama sa kalusugan ng sanggol, partikular na sa kanyang utak at katawan.
- Latest