^

Police Metro

Anak ng piskal kinotongan ng 4 traffic enforcer

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babaeng anak ng isang San Juan City  chief pro­secutor na si Tomas Ri­calde Jr., ang nagreklamo sa pulisya matapos na siya ay kotongan ng apat na lalaki na nagpanggap na mga QC traffic enforcer sa Quezon City.

Agad na nadakip ng mga otoridad ang apat na traf­fic enforcer na kinilalang sina Eduardo Celeteria, 40; Raymond Liwag, 33; Eduardo Joves, 48 (mga da­ting mga miyembro ng tra­pik ng Department of Public Order and Safety sa lungsod) at Bernard Medina, 40.

Sa reklamo ng bikti­mang si Dorothy Joy Ri­calde, 25, development offi­cer ng Marikina City, da­kong alas-11:30 ng uma­ga habang minamaneho niya ang kanyang Toyota Vios ay nag-U-turn siya sa harap ng Wilcon Bldg., Brgy. Bagumbayan nang parahin siya ng mga suspek na pawang mga naka-uni­porme ng asul na polo shirt na ginagamit ng mga otoridad at may tatak ng TEG QCPD.

Lumabag umano sa batas trapiko ang biktima at para umano hindi na siya tiketan ay hiningan siya ng halagang P700.

Para hindi maabala ay nagbigay ang biktima sa hiningi ng mga suspek bago siya pinaalis at habang papalayo ay itinext ng bik­tima ang kanyang tatay na siya namang humi­ngi ng tulong sa Police Sta­tion 12 at District Traffic Enforcement Unit ng Camp Karingal.

Agad na rumesponde ang mga otoridad sa lugar at naabutan pa ang mga suspek na nag-aabang ng panibagong bibiktimahin  at inaresto ang mga ito.

Kinasuhan ng robbery extortion at usurparion of authority ang isinampang kaso ng otoridad laban sa mga suspek.

BERNARD MEDINA

CAMP KARINGAL

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

DOROTHY JOY RI

EDUARDO CELETERIA

EDUARDO JOVES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with