^

Police Metro

Vendor tigok sa kapwa vendor

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang vendor makaraang barilin sa ulo ng kanyang kapwa vendor na kanyang nakaalitan sa Barangay Bambang,  Pasig City kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ronaldo Rodriguez, 33, residente ng Phase 3, Villa Cuana, Nagpayong, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Mabilis namang naka­takas ang  hindi pa kila­lang vendor, dala ang isang .9mm na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Chief Insp. Oscar Boyles, hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa biktima sa VATODA terminal na matatagpuan sa Valderama St., Barangay Bambang.

Bago ang krimen ay  nagbababa umano ang biktima ng kanyang mga panindang gulay mula sa pick-up na sasakyan nito nang bigla na lang lapitan ng suspek.

Sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon umano nang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima hanggang sa maglabas ng baril ang suspek at binaril sa ulo ang biktima, na agad nitong ikinasawi.

Tatlong basyo ng bala ang narekober ng pulisya mula sa pinangyarihan ng krimen, na patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BARANGAY BAMBANG

BARANGAY PINAGBUHATAN

CHIEF INSP

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

OSCAR BOYLES

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RONALDO RODRIGUEZ

VALDERAMA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with