^

Police Metro

Pulis nasawi sa training

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng labis na kapaguran sa ginagawang pagsasanay o traning kaya natigok ang isang miyembro ng Phi­lippine National Police, Aviation Security Group (PNP-AVSECGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City, kamakalawa ng madaling araw.

Habang nasa kasagsagan ng training nang bumagsak at mawalan ng ulirat si PO2 Rex Bragancia, 34, nakatalaga sa PNP-AVSECGOUP sa Iloilo Airport.

Nagawa pang isugod sa Villamor Airbase Hospital ang biktima pero hindi na umabot ng buhay sa nasabing paga­mutan.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Allan Valdez ng Investigation and Detective Management Section ng Pasay Police, nabatid na  kabilang si Bragancia sa mga pulis na sumasailalim sa Airport Anti-Hijacking Training Course.

Sinasabing pinatakbo ang mga kalahok sa pagsasanay  ng ilang kilometro dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Nasa ikatlo at hu­ling pag-ikot ang grupo ng mga pulis sa NAIA Complex nang biglang bumagsak si Bragancia. 

Sumaklolo naman agad ang mga kasamahan ng pulis at binigyan siya ng “first aid treatment” bago isinugod sa  hospital pero nagalutan din ng hininga ang biktima.

Sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor, luma­labas na “sudden cardiac arrest” o atake sa puso ang dahilan ng pagkasawi ng biktima.

AIRPORT ANTI-HIJACKING TRAINING COURSE

ALLAN VALDEZ

AVIATION SECURITY GROUP

BRAGANCIA

ILOILO AIRPORT

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

NATIONAL POLICE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with