^

Police Metro

Kolehiyala ni-rape/slay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­diskubre ng mga kaibigang estudyante ang kanilang kaklase sa bahay ng tiyahin nito matapos na gahasain at patayin kamakalawa sa Sitio Toloot, Brgy. Poblacion, Sibonga, Cebu.

Kinilala ang bikti­ma na si Maygrace Supe­ra­les, 19-anyos na may bakas ng kamay sa leeg na palantandaang sinakal ito ng suspek na kapitbahay ng kanyang tiyahin sa na­sabing lugar.

Batay sa ulat ng pulis­ya, bandang alas-10:00 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na may malalim na saksak sa leeg, nakata­bon dito ang duguang kumot, wala ng suot na blouse at short at nakababa ang panty sa ka­niyang mga paa.

Pinaghahanap na ng pulisya ang lalaking kapitbahay ng tiyahin ng biktima matapos itong hindi matagpuan sa lugar ilang oras bago nadiskubre ang krimen.

Ang biktima ay nanu­nuluyan sa kaniyang ti­ya­hin dahil sa malayo ang kanilang bahay na nasa bulubunduking Brgy. Basak mula sa pinapasukan nitong Sibonga Community College kung saan ku­mukuha ito ng kursong Education.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na naiwang mag-isa ang biktima sa bahay ng tiyahin nito nang pasukin, halayin at pasla­ngin ng salarin.

Magulong-magulo rin ang buong kabahayan na indikasyong nanlaban ang biktima sa nasabing suspek.

Nadiskubre ang krimen matapos na magtu­ngo ang mga kaibigang estudyante ng biktima sa bahay matapos itong mabigong pumasok sa kanilang klase nitong Biyernes ng umaga.

Sa isinagawa namang pagsusuri ni Dr. Ernesto Sariego, Municipal Health Officer sa bangkay ng biktima ay nabatid na walong oras na itong patay nang madiskubre ang krimen.

 

vuukle comment

BANGKAY

BIKTIMA

BRGY

DR. ERNESTO SARIEGO

MAYGRACE SUPE

MUNICIPAL HEALTH OFFICER

SHY

SIBONGA COMMUNITY COLLEGE

SITIO TOLOOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with