^

Police Metro

Army Major todas sa sariling baril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mismong ang gamit na baril ang pumatay sa isang Army Major nang ito ay aksidenteng pumutok sa loob ng kanyang quarter sa 7th Infantry Division (ID) sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Army Spo­kesman Col. Randolph Cabangbang ang biktima na si Major Eddie Valdes, Executive Officer ng 2nd Special Forces Battalion (SFB) sa Officers headquarters ng Special Forces Regiment Airborne sa nasabing kampo.

Batay sa ulat bandang alas-9:00 ng gabi nang ma­tag­puan ng kaniyang room­mate na si Captain Jomel David ang biktima na nag-iisa sa kaniyang silid ng mangyari ang insidente.

Bago ang insidente ay nakarinig ng isang malakas na putok ng baril si David mula sa kanilang kuwarto ng biktima at ng tingnan niya ay nakita ang duguang si Valdez.

Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kaniyang dibdib na siya nitong ikinasawi at natagpuan sa tabi ng bangkay ang cal. 45 pistol na ser­vice firearm nito. 

“There’s no foul play, it’s not suicide, it’s definitely an accidental firing”, ayon kay Cabangbang.

vuukle comment

ARMY MAJOR

ARMY SPO

CAPTAIN JOMEL DAVID

EXECUTIVE OFFICER

FORT MAGSAYSAY

INFANTRY DIVISION

MAJOR EDDIE VALDES

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with