^

Police Metro

Ginang nanganak sa LRT-Blumentritt Station

Ludy Bermudo, Mer Layson, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 25-anyos na buntis na ginang ang nagsilang ng kanyang sanggol na lalaki sa platform ng Blumentritt Station, kahapon ng umaga.

Kinilala ni  Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT-Line 1 ang nagsilang na si Lea Luviano, ng no. 479 Gerona St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, papasakay ang babae sa LRT-Blu­mentritt Station kasama ang kayang mister na si Elias para magtungo sana sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital nang makaramdam ng matin­ding paghilab ng tiyan at magsimulang mag-labor hanggang sa hindi na napigilang ilabas sa sinapupunan ang sangggol dakong alas-9:40 ng umaga kahapon.

Hindi na rin tumuloy sa nabanggit na pagamutan at sa halip ay inihatid na siya ng mga guwardiya at volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) na nakatalaga sa LRT, sa Tondo General Hospital kung saan iniwang nasa maayos na silang kondisyon.

Ayon naman sa pamunuan ng LRT na may
ka­­­buuang 14 bata ang naipapanganak sa loob at platform ng Light Rail Transit (LRT) station at ang huling may nanga­nak ay sa loob mismo ng umaandar na tren noong Mayo 22 at nang mailabas na ang bata ay ek­sak­tong umabot na ang tren sa LRT-Doroteo station.

vuukle comment

BLUMENTRITT STATION

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

GERONA ST.

HERNANDO CABRERA

LEA LUVIANO

LIGHT RAIL TRANSIT

PHILIPPINE RED CROSS

SHY

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with