^

Police Metro

PDEA nagbigay ng P2.6-M pabuya sa 9 impormante

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Umaabot sa P2.6 mil­yon na pabuya ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa siyam na im­pormante na naging ugat sa pagkakabuwag ng ma­lalaking laboratoryo ng shabu.

Sa pangunguna ni PDEA director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., ibinigay ang monetary reward na may kabuuang P2,614,188.06 milyon ng kagawaran sa kanilang ika-11 ani­bersaryo na ginanap sa NIA Northside Road, National Government Center, Brgy. Pinyahan, Quezon City kahapon.

Ayon kay Cacdac, ang pagbibigay ng para­ngal sa mga impormante ay bunga ng Operation Private Eye (OPE) na naglala­yong mahikayat ang mga pribadong ma­mamayan na magbigay ng impormasyon sa mga pinaghihinalaang sangkot sa paggawa ng iligal na droga sa ka­ni­lang ko­munidad.

Itinago sa mga pa­ngalang alyas Bogart, Dagil, Miami, Ambong, Storm, Mustang, Blackmail, Master, at Unico.

Tanging si alyas Miami ang nakatangap ng pinakamalaking reward na aabot sa P1.5 milyon dahil sa impormasyong ibinahagi nito na nagdulot ng pagkakasamsam sa 34.5 kilograms ng shabu at pagkaka-aresto ng tatlong Chinese nationals sa isang buy-bust operation sa Binondo, Manila noong Hunyo 18, 2013.

AMBONG

AYON

BINONDO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO CACDAC JR.

NATIONAL GOVERNMENT CENTER

NORTHSIDE ROAD

OPERATION PRIVATE EYE

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with