^

Police Metro

Dispatcher ng taxi pinatay

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dispatcher ng taxi matapos na pasukin sa loob ng kanyang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Delfin Barduque Jr., 26, residente sa  #34 San Pedro St., Brgy. Commonwealth sa lungsod. Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, imbestigador, nahihirapan silang tukuyin ang salarin dahil maging ang kaanak nito ay hindi nakita ang pamamaril sa biktima. Nangyari ang insidente sa loob ng bahay ng biktima ganap na alas-9:40 ng gabi.

Bago ang insidente, nag-uusap umano sa unang palapag ng kanilang bahay ang biktima at kanyang nanay na si Aurora Oracion-Barduque nang makarinig sila ng mga putok ng baril sa labas.

Agad na dumapa si Aling Aurora dahil sa takot at nang maramdamang tapos na ang pamamaril ay buma­ngon ito at nang kanyang tignan ang anak ay duguan na ito at nakahandusay. Sanabi pa ni Hernandez, masyado umanong madilim sa lugar na kinaganapan ng krimen kung kaya hindi nila alam kung saan dumaan ang salarin.

vuukle comment

ALING AURORA

AURORA ORACION-BARDUQUE

AYON

BRGY

DELFIN BARDUQUE JR.

HERNANDEZ

JOGENE HERNANDEZ

QUEZON CITY

SAN PEDRO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with