^

Police Metro

Kotse ng solon tinira ng ‘basag-kotse gang’

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinira ng mga hindi pa kilalang suspek na pinaghihinalaang mi­yembro ng “basag-kotse gang” ang sasakyan ni Buhay Partylist Rep. Irwin Tieng at dito ay natangay ang mahahalagang gamit sa loob naganap kamakalawa sa Pasay City.

Hindi nadakip ang suspek kung kaya’t iniulat na lamang ito ng driver ni Congressman Tieng na si Erwin Inot, 43-anyos, ng Bagumbong, Caloocan City sa Pasay City Police ang naturang pagnanakaw.

Sa salaysay ni Inot, dakong alas-12:00 ng tanghali nang iparada niya ang Toyota Land Cruiser na may plakang “8” sa parking area ng isang sikat na fastfood restaurant sa kanto ng Macapagal at Gil Puyat Avenue at sandaling iniwan upang mananghalian.

Matapos ang kalahating minuto nang ito ay kanyang balikan ay nadiskubre niya na binasag ang salamin ng kotse at nawawala na ang baril, Apple laptop computer, at Apple Ipad gadget na pag-aari ng mambabatas.

Napag-alaman na ilang ulit ng nagkaroon ng insidente ng nakawan sa mga nakaparadang sasakyan sa Macapagal Avenue na ang ilan ay nahagip pa ng close circuit television (CCTV) camera, subalit hindi pa rin nadarakip ang mga suspek.

vuukle comment

APPLE IPAD

BUHAY PARTYLIST REP

CALOOCAN CITY

CONGRESSMAN TIENG

ERWIN INOT

GIL PUYAT AVENUE

IRWIN TIENG

MACAPAGAL AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with