EDSA lumuwag ang daloy ng trapiko
MANILA, Philippines - Lumuwag ang daloy ng trapiko kahapon sa kahabaan ng EDSA sa pagpapatupad ng “dry run†na pagbabawal sa mga provincial buses na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Southwest Interim Transport Terminal (SITT) sa Parañaque City.
Maraming mga netizen ang nagpahayag sa mga post sa social networking site na Facebook, ang papuri sa biglaang pagluwag ng EDSA na anya sa unang pagkakataon ay nakaranas siya na makarating sa Ayala, Makati City mula sa Quezon City ng 30 minuto lamang.
Nabatid na ginastusan ng pamahalaan ng P24 milyon ang SITT sa may Uniwide reclamation area sa Parañaque City na kayang maglaman ng 1,000 bus buhat sa mga lalawigan ng Cavite at Batangas.
Nakatakdang buksan ngayong taon ang terminal sa Trinoma Mall sa Quezon City para sa mga provincial buses buhat sa Norte at sa Filinvest area sa Alabang, Muntinlupa City para naman sa mga bus na buhat sa Timog.
Pormal na bubuksan ang SITT sa Agosto 6 na inaasahang tuluyang makakatulong sa problema sa trapiko sa EDSA.
- Latest