Senators, Solons ‘powerful forces’ sa BOC
MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Customs Deputy Commissioner Juan Lorenzo Tañada na ang mga senador at congressmen ay ilan lamang sa “powerful forces†na nanghihimasok sa pamamalakad sa Bureau of Customs (BOC).
“Madalas po yan lalo na hiring and promotion and appointment ng tao sa bureau kasi sa internal administration group yun. May ready made sagot ako diyan na it is Commissioner Biazon who (will make a decision). Doon sa tumatawag, madalas po yan. Nagsasabi po ng totoo si Deputy Commissioner Danny (Lim),†ani Tañada.
Ayon kay Tañada posibleng kailanganin pa ang isang termino ng PaÂngulong Noynoy Aquino upang tuluyang malinis ang BOC.
“Dalawang pangulo na parehas yung mindset kasi po ang totoo po niyan matapos ang termino ni P-Noy kung hindi katulad ng kay P-Noy ay back-to-square one po ang mangyayari,†dagdag pa ni Tañada.
Aminado din si Tañada na sa kanyang pagpasok sa BOC at makita ang sangkatutak na anomalya, lubhang kailangan nito ng bagong regulasyon at sistema.
“Hindi po natin magaÂgamot sa loob ng tatlong taon. Honestly po kailaÂngan po ng minimum daÂlawang termino ng admiÂnistrasyon,†ani Tanada.
Kadalasang natutukso ang mga tauhan ng customs sa mga lagay dahil na rin sa liit ng kanilang suweldo.
“Isa sa mga pinakamalaking problema ay ang pagbigay ng discretion sa mga tao sa frontline to make decisions. Ibig ko sabihin masyadong malaki ang leeway na binibigay sa empleyado pag andun ka sa frontline especially po yung mga sweldo ng kawani natin hindi ganun kataas,†dagdag pa ng nagÂbitiw na opisyal.
Magugunita na kamaÂkalawa ay nagbitiw si Danny Lim bilang Customs Deputy for Intelligence matapos na aminin na hindi niya kaya ang “powerful forces†na nakakaapekto upang malinis ahensiya mula sa smuggling.
- Latest