^

Police Metro

Nagpakitang gilas sa Russian roulette, utas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinuntahan pa ng isang 32-anyos na lalaki ang mga kaibigan sa bilyaran upang magpakitang gilas sa paglalaro ng Russian roulette na kung saan ay pumutok ito sa pang-apat na pagkalabit ng baril sa kanyang sentido naganap kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang bik­timang si Ricky Flores, ng no 13 J. P Laurel St., P.S Cruz Subdivison, No­va­li­ches Quezon City.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang insidente sa may J.P Laurel St., P.S Cruz malapit sa bahay ng biktima ganap na ala-1:30 ng madaling araw ay nakita umano ang biktima ng kanyang live in partner na si Joana Tiburcio na pumasok ng kanilang bahay at ilang minuto ay lumabas na may bitbit ng baril.

Nagpunta ang biktima sa kanyang mga kaibigan na noon ay naglalaro ng bilyar sa lugar at dito ay binunot ang kanyang baril saka inalis ang mga bala sa chamber nito saka naglagay ng isang bala lamang.

Itinututok ng bktima ito sa kanyang sentido saka kinakalabit, pero hindi pu­­mu­putok at sa ikaapat na pagkakataon nang mu­ling kalabitin ang baril ay pu­mutok.

vuukle comment

BATAY

IDINEKLARANG

JOANA TIBURCIO

P LAUREL ST.

QUEZON CITY

RICKY FLORES

S CRUZ

S CRUZ SUBDIVISON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with