^

Police Metro

Dalawang preso sa Caloocan nakatakas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakas sa pama­magitan nang paglagare sa kanilang kulungang bakal ang dalawang preso na kapwa may kasong car­napping kamakalawa sa Caloocan City.

Ang mga nakatakas ay kinilalang sina Donald John Torribio, 19 at Berlin Del Rosario, 23, kapwa residente  ng lungsod.

Sa naantalang ulat ka­hapon na nakarating sa Caloocan City Police Headquarters, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nadiskubre ng duty desk officer na si PO1 Reggie Nuevaespana, ng Barugo Police Station, na natakasan siya nina Torribio at Del Rosario.

Dahil sa insi­den­te ay sinibak sa kan­yang puwesto si PO1 Nuevaespana na isasa­i­lalim sa imbestigasyon at nakatakdang sampa­han  ng kaso kapag napa­tunayan na nagpabaya sa kanyang tungkulin ang naturang pulis na bantay.

 

BARUGO POLICE STATION

BERLIN DEL ROSARIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE HEADQUARTERS

DAHIL

DEL ROSARIO

DONALD JOHN TORRIBIO

REGGIE NUEVAESPANA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with