^

Police Metro

Matapos na salakayin at arestuhin ang mag-asawang Chinese drug lord…19 parak sinibak sa nawawalang shabu at pera

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labing-siyam na miyembro kabilang ang apat na opisyal ng PNP- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang sinibak sa puwesto kaugnay ng umano’y nawawalang bultu-bulto ng shabu at malaking halaga ng pera nang salakayin at ares­tuhin ang puganteng mag-asawang  Chinese drug trafficker sa San Juan City noong Hulyo 13.

Ang pagsibak sa na­sabing mga pulis ay nang lumutang ang isang testigo at ibinulgar na kinulimbat ng arresting team ng PNP-CIDG ang saku-sakong shabu at malaking halaga ng salapi nang arestuhin ang mga itinakas na drug lord na sina Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang Li Na sa pinagtataguan ng mga ito sa San Juan City.

Ayon kay PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Francisco Uyami Jr., ang mga sinibak na opisyal ay sina Sr. Supt. Jomar Espino, team lea­der  ng mga operatiba na nagsagawa ng raid, Supt. Romeo Albert Balenor, Sr. Insp. Julius Garcia at Sr. Insp. Elmer de Cabo.

Magugunita na ang mag-asawang Dy ay naaresto sa raid dakong alas-12:30 ng madaling araw noong Hulyo 13 sa kanilang pinagtataguan sa #311 A, M. Infanta St, Infanta Subdivision, Little Baguio, San Juan City.

Sinabi ni Uyami na iniutos na rin niya ang  pagbuo ng Fact Finding Team upang tutukan ang imbestigasyon upang mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkakaaresto sa mga convicted drug traffickers.

Tiniyak rin ng opisyal na walang whitewash ang isasagawang im­bestigasyon dahilan nais rin nilang malaman kung ano ang katotohanan sa likod ng mga alegasyon.

Pinabubulaanan naman ng arresting team na may nakuha silang bultu-bulto ng shabu at pera sa lugar kung saan inaresto ang naturang mga convicted drug traffickers.

vuukle comment

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR P

FACT FINDING TEAM

FRANCISCO UYAMI JR.

HULYO

SAN JUAN CITY

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with