^

Police Metro

Pinaglaanan ng ‘pork’ ilantad sa publiko

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilabas ng lahat ng Mambabatas ng pinagka-gastusan ng kanilang Priority Development Assistance Fund na mas kilala sa tawag na pork barrel sa gitna ng isyu na P10 bil­yon na napunta lamang sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organization.

Ito ang hiling ni Senator Alan Peter Cayetano at  isa sa mga dahilan kung bakit dapat maipasa ang Freedom of Information Bill upang mas madaling makita ng kahit na sinong Filipino ang mga tran­saksiyon na pinapasok ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni Cayetano na kung walang iregularidad ay walang dahilan para itago sa publiko ang pinaglaanan ng pork barrel  funds.                                     

Naniniwala rin si Cayetano na hindi dapat sumawsaw sa imbestigasyon ang mga mam­babatas lalo pa’t nasa kanilang hanay ang mga inaakusahan.

Mahalaga aniyang mailabas ang katotohanan dahil apektado nito ang tiwala ng mga mamamayan.

CAYETANO

FREEDOM OF INFORMATION BILL

ILABAS

MAHALAGA

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATOR ALAN PETER CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with