^

Police Metro

Guro itinumba sa tapat ng bahay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaking guro ng elementary school ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek habang papasok na sa kanyang bahay kamakalawa ng hapon sa Brgy.Culianan, Zamboanga City.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Roderick Sanchez, 38-anyos, guro sa Lanzones Elementary School sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-4:40 ng hapon ay  kasalukuyang papasok ang biktima sa gate ng kanilang bahay galing sa maghapong pagtuturo sa eskuwelahan nang biglang sumulpot ang armadong salarin at pinagbabaril ang biktima na duguang bumulagta sa kalye.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sumakay ng kulay pulang XRM na motorsiklo.

vuukle comment

BAHAY

BATAY

BIKTIMA

BRGY

CULIANAN

ISANG

LANZONES ELEMENTARY SCHOOL

MABILIS

RODERICK SANCHEZ

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with