^

Police Metro

7-anyos na batang lalake nagbigti

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang maisip na dahilan ang mga magulang kung bakit nagawa ng kanilang anak na 7-anyos na magbigti sa likod ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Tagaytay City,Cavite.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Joshua Bartolai, ng Purok 18, Brgy. Dapdap West ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang makita ang biktima ng kanyang kapitbahay na nangangalang Siony Ga­bul na nakabigti sa likod ng bahay.

Agad nitong tinawag ang tatay ng bata na si Romeo na agad na ibinaba ang anak mula sa pagka­kabigti at mabilis na dinala sa ospital, subalit namatay ito sa daan pa lamang.

Walang nakita ang mga otoridad na may naganap na foul play kaya’t hindi na rin ipinasailalim ng ama sa otopsiya ang anak at hindi na rin nagbigay ng paliwanag kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng anak.

BATAY

BRGY

CAVITE

DAPDAP WEST

JOSHUA BARTOLAI

PUROK

SIONY GA

TAGAYTAY CITY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with