^

Police Metro

2 batang missing, natagpuang patay sa kotse

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Masamang balita ang sumalubong sa mga magulang ng dalawang batang lalaki na nawala noong Marso 27 sa Taguig City matapos matagpuan ang naagnas nilang bangkay sa loob ng isang kotse malapit sa barangay hall sa Taguig City kahapon.

Pasado ala-12:00 ng tanghali nang iulat sa Taguig City Police ang pagkakatagpo sa bangkay ng mga biktimang sina Dayne Buenaflor, 4-anyos at James Naraga, 3-anyos sa loob ng isang nakaparadang itim na kotseng Sedan na may plakang (UGX-606) sa isang compound sa Brgy. Wawa, sa naturang lungsod. Ayon kay Sr. Supt. Felix Arthur Asis, hepe ng Taguig Police, mga bata rin umano ang nakakita sa mga biktima habang nililinisan nila ng damo ang compound kung saan nakaparada ang kotse at iba pang sasakayan saka iniulat sa barangay. 

Natagpuan ang mga bata sa compound na nakaparada ang mga sirang sasakyan na pagmamay-ari ng isang Boy Valenzuela at nang magpalinis ay nakita ang tatlong bata na nakaawang ang pinto ng isa sa mga sirang kotse,

Wala namang nakitang anumang pinsala sa katawan sa mga bangkay dahil sa pagkaagnas. Bagama’t may mga teorya nang sinusundan ang pulisya sa naganap sa mga bata, tumanggi ang ito na magbigay pa ng pahayag. Isa sa inaalam ay kung bakit hindi napansin ng mga tauhan ng barangay ang mga bata kung nakulong ang mga ito gayong halos katapat lamang ng barangay hall ang mga kotseng nakaparada.

Kabilang ang dalawang bata sa mga iniulat noong katapusan ng Marso na nawawala habang nasa kainitan ang balita sa grupo umano ng lalaki lulan ng mga van na dumudukot sa mga paslit para sa lamang-loob ng mga ito.

BOY VALENZUELA

DAYNE BUENAFLOR

FELIX ARTHUR ASIS

JAMES NARAGA

MARSO

SR. SUPT

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

TAGUIG POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with