^

Police Metro

Tinangkang iligtas ng mga kasamahan… 2 lider ng ‘Ozamis’ napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napatay ng mga otoridad ang da­lawang lider ng Ozamis robbery group nang mabaril ito matapos na mang-agaw ng baril ng tangkaing iligtas ng mga kasamahan kamakalawa ng gabi sa San Pedro, La­gu­na.

Kinilala ni San Pedro Police Officer-in-Charge Supt. Chito Bersaluna ang mga napatay na suspek na sina Ricky “Kambal” Cadavero, 36; at Wilfredo “Kulot” Panogalinga Jr..

Ayon kay Bersaluna, sa pagitan ng alas-7:30 ng gabi ay sakay ang mga suspek ng dalawang motorsiklo at sinusundan ang puting van na sina­sakyan nina Cadavero at Panogalinga Jr. at anim na pulis na escorts.

Nabatid na sina Cada­vero at Panogalinga Jr. ay kagagaling lang sa inquest proceeding sa Dasmariñas, Cavite nang mamataan ng mga police escorts ang dalawang motorsiklo na sumusunod sa van.

Pagdating sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna ay isa pang mo­tor­siklo ang sumulpot at inumpisahan na pagbaba­rilin ang van.

Habang umano naga­ganap ang pamamaril ng mga nakamotorsiklong suspek ay inagaw umano nina Cadavero at Pano­ga­linga Jr. ang baril ng ka­nilang mga police es­corts kung kaya’t napilitan na sila ay pagbabarilin ng ibang pulis na kasama sa van.

“Pagkabakbak iyun na rin ang cue nitong dalawa na mang-agaw ng baril…Malamang kasama rin ng mga Ozamis group kasi dati ganoon ang ginagawa nila, ni-rescue nila si Ricky Cadavero,” wika ni Bersaluna.

Sina Cadavero at Pa­no­ga­linga Jr. ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.Wala namang nasugatan sa mga police escorts.

Bago ito ay iprinisinta pa  nitong Lunes ng tanghali kina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at PNP Chief Director General Alan Pu­risima sa Camp Crame ang dalawang lider.

Ang grupo ni Cada­vero ang itinuturong binayaran umano ng P50M ng tatlong drug lord na sina Li Lan Yan alyas Jack­son Dy, misis nitong si Wang Li Na at Li Tian Hua na itinakas ng grupo matapos harangin ang convoy ng  provincial jail sa Trese Martires City, Ca­vite noong Pebrero 20 ng taong ito. Nasakote nitong Hulyo 13 ang mag-asa­wang Dy sa raid sa San Juan City habang pinag­hahanap pa si Hua.

Si Cadavero ay muling nasakote ng pulisya sa Das­mariñas City, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 12 , pitong buwan matapos itong pumuga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bersaluna na ang nangyaring barilan ay maaaring tinangka ng ibang miyembro ng gang na itakas ang kanilang dalawang lider na kama­kailan lang ay nadakip matapos na pumuga noong Disyembre 2012 sa New Bilibid Prison.

Ang Ozamis robbery group ay sinasabing nasa likod ng mga pangho­hol­dap sa mga mall at bangko sa Metro Manila at kalapit na lalawigan tulad sa Alabang Town Center, Robinsons Metro East, Robinsons Galleria at Robinsons Novaliches at Robinsons Dasmariñas, at Landbank branch in Quezon City.

Ayon naman kay Sec­­re­tary Mar Roxas na si Panogalinga Jr. ay pa­ngu­nahing suspek sa pagbaril at pag­patay sa Amerikanong si Robert Armstrong sa naganap na holdap sa 7/11 conve­nience store sa Malate, Maynila noong  Setyembre 2012.

vuukle comment

AYON

BERSALUNA

CADAVERO

NEW BILIBID PRISON

PANOGALINGA JR.

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with