^

Police Metro

4 todas… Lalaki naburyong: 12 Kapitbahay pinagtataga

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang lalaking naburyong ang labindalawa nitong kapitbahay na ikinasawi ng apat kabilang ang isang 2-anyos na batang babae, habang walo ang nasuga­tan na naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cantutang, Padre Burgos, Southern Leyte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Maria Felicilda, 56; Princess Jabonero, 23; Roger Salim, 39; at ang 2-anyos na si Leisly Ann Kaindoy.

Nilalapatan ng lunas sa Salvacion Oppus Yniguez Memorial Provincial Hospital sa Maasin City ang mga nasugatang sina Ma­ximo Palero, 56; Georgie Jabonero, 15; Aiza Salim Kaindoy, 24; Genara Chu, 47; Zenaida Aguelo, 62; Joyjoy Senselia, 18; Love Joy Acabo, 21; at April Rose Salim, 13.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Mark Junie Telen alyas Tambalan, obrero at residente sa Brgy. Cantutang ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, bago naganap ang pag-amok ng biktima dakong alas-7:00 ng gabi ay nag-inom muna ito ng alak at nang mala­sing ay kinuha nito ang itak at nagwala na kung  saan ang mga bahay ng  kapitbahay ay pinasok nito at ang lahat ng mga nasa loob ay kanyang pinagtataga.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso kung bakit nag-amok ang suspek.

 

vuukle comment

AIZA SALIM KAINDOY

APRIL ROSE SALIM

BRGY

CANTUTANG

GENARA CHU

GEORGIE JABONERO

JOYJOY SENSELIA

LEISLY ANN KAINDOY

LOVE JOY ACABO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with