^

Police Metro

Naningil ng sobrang placement fee… Recruitment agency sinuspinde

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng preventive suspension ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo J. Cacdac ang isang recruitment agency na sinasabing responsable sa kasong pango­ngolekta ng sobrang placement fees at hindi pag-i-isyu ng official receipt sa mga aplikante.

Tinukoy ni Cacdac ang sinuspindeng agency ay ang Primeworld Manpower Agency na matatagpuan sa Rooms 201 at 204 ng Estrella Condominium, 858 San Andres St., Malate, Manila.

Ang suspension sa Primeworld ay bunsod ng reklamo ng anim na Overseas Filipino Workers  (OFWs) na umano’y ni-recruit ng mga ito at ipinadala sa Taiwan kapalit ng placement fee na halos P100,000 bawat isa nang walang kaukulang resibo.

Batay sa reklamo, nagtrabaho ang mga complai­nant bilang factory workers para sa Sixfull Industrial Co. Ltd at tumatanggap ng buwanang sahod na NT$18,780.00.

Ayon kay Cacdac, alinsunod sa section 3 ng Rule V, Part 2 ng POEA Rules and Regulations, ang placement fee ceiling ay dapat na katumbas lamang ng isang buwang sahod ng hired worker.

Sinabi ni Cacdac, ang Primeworld Manpower ay nakagawa ng seryosong kasalanan kaya’t marapat lamang na gumawa sila ng karampatang aksiyon upang maiwasan nang makapambiktima muli ng iba pang aplikante.

Mananatili ang suspension sa Primeworld hanggat walang notice na inilalabas ang POEA.

ADMINISTRATOR HANS LEO J

CACDAC

ESTRELLA CONDOMINIUM

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PRIMEWORLD

PRIMEWORLD MANPOWER

PRIMEWORLD MANPOWER AGENCY

RULE V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with