^

Police Metro

Malaking ‘wealth sharing’ sa MILF pinaboran

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumayag na ang gobyerno na pagbigyan ang demand ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makakuha nang mas malaking parte sa pinag-uusapang “wealth sharing” sa bubuuing Bangsamoro political entity sa Mindanao.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte, ikinatuwa ng Pangulo ang positibong pagtanggap ng MILF sa kasunduan at nilagdaan na ang annex sa wealth-sharing agreement sa Kuala Lumpur.

Ayon naman kay GRP panel head Miriam Coronel-Ferrer, pumayag umano sila sa kagustuhan ng MILF na 75 percent ng buwis na makokolekta sa mga saklaw na lugar ay mapupunta sa Bangsamoro habang 25 percent lamang ang bahagi ng national government.

Maging sa mga buwis at kita na makukuha sa mga natural resources katulad ng metallic minerals, ma­laking bahagi rin nito ay mapupunta sa Bangsamoro.

Gayunman, nagkasundo aniya ang dalawang panig sa “equal sharing” pagdating sa energy resources.

 Una nang naantala ang paglagda ng government peace at MILF panel sa wealth sharing annexes matapos manindigan ang MILF sa 75-25 sharing scheme.

Samantala, bagama’t naresolba na ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isa sa pinakamabigat na usapin sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement, aminado si Ferrer na mahabang panahon at debate pa ang kailangan para tuluyang mapagtibay ang kasunduan.

Ayon kay Ferrer, kabilang pa sa pinagsusumikapan nilang maresolba ay ang usapin sa power-sharing at normalization.

Nakatakda umano silang muling mag-uusap sa susunod na buwan pagkatapos ng Ramadan.

AYON

BANGSAMORO

BANGSAMORO FRAMEWORK AGREEMENT

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAL VALTE

GAYUNMAN

KUALA LUMPUR

MILF

MIRIAM CORONEL-FERRER

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with