2 pinaghapunan ng bala sa karinderya
MANILA, Philippines - Nagmistulang naghuÂling hapunan ang dalawang lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kamakalawa ng gabi sa Brgy.Vitali, Zamboanga City.
Namatay noon din ang dalawang biktima na kinilalang sina Engineer Felipe Nepomuceno at Romel Dayrit, pawang nasa hustong gulang at mga empleyado ng Atro Mining. Habang nasuÂgatan nang tamaan ng ligaw na bala sa paa ang isang Jaypee Joven,16.
Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi habang naghahapunan sina Nepomuceno at Dayrit sa isang karinderya sa lugar nang sumulpot ang mga salarin na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima at tinamaan si Joven sa paa.
Nagpanik ang mga kustomer sa karinderya na nagpanakbuhan sa matinding takot nang makitang pinagbabaril ng mga suspek ang dalawang biktima.
Mabilis na tumakas paÂtungo sa direksyon ng Brgy. Tictapul, ZamboÂanga City ang mga suspek.
- Latest