^

Police Metro

Tsinoy trader hindi na binuhay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Siniguradong hindi na bubuhayin pa ng isa sa dalawang suspek ang isang 32-anyos na negos­yanteng Filipino-Chinese dahil matapos na barilin at bumulagta ay nilapitan pa ito at muling pinagbabaril naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dumagoc, Pagadian City, Zambo­­anga del Sur.

Ang biktima na  namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay ki­nilalang si  James Tan, goldsmith shop owner.

Batay sa ulat, dakong alas-8:35 ng gabi ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo (JJ2499) nang sundan ito ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Pagdating sa Purok Silao, Brgy. Dumagoc ay pinagbabaril ang biktima ng isa sa mga suspek kaya’t tumilapon ang biktima sa motorsiklo.

Habang naghihinga­lo ay nilapitan pa ito ng mga suspek at mu­ling pinagbabaril at nang masigurong patay na ay puwer­sahang kinuha ang suot nitong gintong kuwintas.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon habang narekober ng mga nagrespondeng elemento ng Pagadian City Police sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal 380 pistol.

Hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo ng pagpatay sa biktima.

vuukle comment

BATAY

BRGY

DUMAGOC

JAMES TAN

PAGADIAN CITY

PAGADIAN CITY POLICE

PUROK SILAO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with