^

Police Metro

Kinidnap na 3 Pinoy nurse sa Libya, nailigtas

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga otoridad ang tatlong Pilipinong nurse na dinukot sa Libya ng hindi pa kilalang grupo.

Sa report kahapon ng Embahada ng Pilipinas sa Tripoli sa Department of Foreign Affairs (DFA) naganap ang pagkidnap sa tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na isang babae at dalawang lala­king nurse dakong alas-9:00 ng gabi noong Hulyo 8 sa lungsod ng Sebha sa Libya.

Nasagip ang mga nurses matapos na isa sa kanila ang nakatakas at nakahingi ng tulong sa mga otoridad.

Sa ginawang rescue operations, dakong alas-11:15 ng gabi ay natunton ang kinaroroonan ng dalawang naiwang nurse at nasagip.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HULYO

NAILIGTAS

NASAGIP

PILIPINAS

PILIPINONG

SEBHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with