^

Police Metro

SC Justice nalalagay sa kontrobersiya

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang isa sa mga mahistrado ng Supreme Court makaraang lantarang akusahan ni Ma­rinduque Representative Regina Reyes si Associate Justice Presbitero Velasco ng paggamit sa kanyang pwesto para maimpluwensyahan ang SC sa naging pasya nito hinggil sa kanyang election case.

Sa isang pulong balitaan sa Lungsod ng Maynila, tahasang nanawagan si Reyes kay Velasco na itigil ang paggamit sa kanyang pwesto para mapaboran ng hukuman ang kanyang anak na si dating Congressman Lord Allan Velasco na naging mahigpit na katunggali noong nakalipas na eleksyon.

Kumbinsido si Reyes, batay na rin sa dissenting opinion ni Justice Arturo Brion, na minadali ng SC ang pagpapasya sa kanyang kaso dahil hindi man lang hiningan muna ng SC ng komento ang mga kampong sangkot sa kaso bago nagpasya sa isyu.

Hindi umano siya na­bigyan ng patas na pagtrato mula pa lamang sa Come­lec hanggang sa SC dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon na mapatunayan na siya ay isang Pilipino.

Sa halip ay mas binigyan pa raw ng bigat ng Comelec at SC ang nilathala ng isang blogger na nagsasabing siya raw ay isang American Citizen, gayong siya ay isinilang sa Pilipinas, may mga magulang na parehong Pilipino at mayroon din siyang affidavit of renunciation of foreign citizenship dahil siya ay naging American citizen. Idinagdag pa ni Reyes na hindi rin ipinatawag ng Comelec ang mismong blogger para personal na patunayan ang kanyang paratang. Plano ni Reyes na mag­hain ng motion for reconsideration sa SC para mabaligtad ang kanyang disqualification bagamat naniniwala siya na ang dapat nang huma­wak ng kaso ay ang House of Representatives Electoral Tribunal dahil siya ay naiproklama na.

AMERICAN CITIZEN

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO

COMELEC

CONGRESSMAN LORD ALLAN VELASCO

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

JUSTICE ARTURO BRION

KANYANG

REYES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with