^

Police Metro

Gumulpi sa anak, pinatay ng nanay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakayanan ng isang 40-anyos na ina ang sinapit ng kanyang anak na ginulpi ng grupo ng kalalakihan kung kaya’t rumesbak ito at napatay ang isa sa gumulpi nang hatawin niya ng bakal ang ulo naganap kamakalawa sa Pasay City.

Namatay habang ni­lalapatan ng lunas sa San Juan De Dios Hospital dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Rommel Cayaban, 35-anyos, security guard may-asawa, ng St. Agustin St., kanto ng  St. Mary St., Maricaban ng lungsod.

Ang suspek na agad naaresto na nahaharap sa kasong homicide ay kinilalang si Lizela Diaz, ng Block 2, Lot 30, Rita St., Maricaban.

Bago nangyari ang krimen ay ginulpi umano ng biktimang si Cayaban at mga kabarkadang sina Michael Adviento, Dexter Cariaga, Rommel Cabalsi, Mark Anthony Padilla at Mark Jhun Rabanes, 35, ang anak ng suspek na si Mark Anthony Diaz.

Nabatid na ipinagdiriwang ang kaarawan ni Cabalsi nang palihim na pumasok sa bahay si Mark Anthony at nahuli ito at pinaggugulpi dahil sa “trespassing”.

Nang makauwi, nagsumbong sa ina at mga kaanak si Mark Anthony at rumesbak sa grupo ng biktima. 

Dito pinaulanan ng bato, at teargas ng grupong suspek sina Cayaban kaya’t rumesponde sa lugar ang mga otoridad kaya’t lumabas ng bahay ang grupo ng biktima. 

Dito umano sinamantala ng suspek at inatake si Cayaban nang hampasin ng matigas na bagay sa ulo.

Agad namang naaresto ng mga otoridad si Diaz habang isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito nalagutan ng hininga. 

Sa kulungan, sinabi ni Lizela na nagtungo sa bahay ng biktima ang kanyang anak upang magsanla umano ng singsing ngunit pinaggugulpi ng grupo ni Cayaban.

vuukle comment

CAYABAN

DEXTER CARIAGA

DITO

LIZELA DIAZ

MARICABAN

MARK ANTHONY

MARK ANTHONY DIAZ

MARK ANTHONY PADILLA

MARK JHUN RABANES

MICHAEL ADVIENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with