^

Police Metro

Iniwan ni misis... Bumbero nagbigti sa puno

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Minabuti ng isang fire volunteer na kitilin ang sara­ling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti matapos na siya ay iwanan ng kanyang misis sa Navotas City kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon si Russel Llobrera, 43,  ng Merville Subdivision, Barangay Tanza ng naturang  lungsod.

Ayon sa report ng Navotas City Police, kamakalawa ng gabi ay naglasing ang biktima sa birthday party ng kaanak at naglabas ng sama ng loob dahil sa  ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang misis. Dakong alas-7:00 ng umaga, bumulaga sa mga kapitbahay ang nakabigting si Lobrera, na nakatali  ng nylon cord sa puno sa labas ng bahay nito.

Bago ang pagpapakamatay ay ilang araw na rin umanong nakikitang malungkot, at malalim ang iniisip ng bumbero buhat ng iwan siya ng kanyang misis.

Gayunman, nagsasagawa parin ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY TANZA

DAKONG

GAYUNMAN

LOBRERA

MERVILLE SUBDIVISION

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RUSSEL LLOBRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with