^

Police Metro

Holdaper todas sa shootout

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines -Todas ang isa sa tatlong holdaper habang sugatan ang isang pasahero sa isang holdapang naganap sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hini­nga habang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC) ang suspek na si Loudy Soriano, 28, residente ng #10 Block 36, Ampalaya St., Barangay Tumana, Marikina City.

Patuloy namang ginagamot sa St. Vincent Hospital ang isa sa mga pasahero ng jeep na nakilalang si Ferrero Francisco Arce, 24, ng Armpac Compound, Banaba, San Mateo, Rizal, bunsod nang tinamong tama ng saksak sa likod.

Ayon kay P/Sr. Supt. Reynaldo Jagmis ng Ma­rikina City Police, dakong alas-10:00 kama­kalawa ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa loob ng pampasaherong jeep sa JP Rizal at Gonzales Sts,. Marikina City.

Nabatid na habang hi­noholdap ng mga suspek ang mga pasahero ay nanlaban ang mga ito sanhi upang masaksak sa likod si Arce.

Dahil sa panlalaban ng mga pasahero ay natawag ang pansin ng mga nagpapatrulyang pulis na kaagad rumesponde sa holdapan.

Kaagad umanong nagpaputok ang mga suspek at nang gumanti ang mga awtoridad ay tinamaan si Soriano.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AMPALAYA ST.

ARMPAC COMPOUND

BARANGAY TUMANA

CITY POLICE

FERRERO FRANCISCO ARCE

GONZALES STS

MARIKINA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with