Kawani ng BIR patay sa ambush
MANILA, Philippines - Idineklarang-dead-on-arrival sa ospital ang isang 39-anyos na lalaki na kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos itong tamaan ng mga bala sa likod nang pagbabarilin ng mga susÂpek na sakay ng van kaÂhapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Paul Parezo, 39-Âanyos, may-asawa, resiÂdenÂte ng no. 1313 Miguelin St., SamÂpaloc, Maynila.
Mabilis na tumakas ang dalawang suspek na sakay ng kulay itim na Starex van na hindi naplakahan.
Batay sa ulat, dakong alas-4:15 ng madaling-araw ay minamaneho ng biktima ang kanyang Montero Sport at pagdating sa Laon-laan St., Sampaloc, Maynila ay pinara siya ng dalawang lalaki na bumaba ng nasabing van.
Paghinto ng biktima ay pinaputukan siya ng mga suspek kung saan tinamaan sa likurang baÂhagi ng katawan ang bikÂtima at pagkatapos ang pamamaril ay sumakay muli ang mga suspek sa kanilang van at suÂmibat.
- Latest