^

Police Metro

Ginang, sinaktan muna ang anak bago nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ginang ang ipinasyang tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ilang minuto matapos na  saktan nito ang kanyang walong taong gulang na anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Marvelina Escandor, 45, vendor, naninirahan sa apartment  #153 Sitio Pajo, Brgy. Baesa sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, si Escandor ay nadiskubre ng isang Ricardo Arnaiz, ganap na ala-1:20 kamakalawa ng hapon.

Nakaistambay umano si Arnaiz sa lugar nang marinig niya ang walong taong gulang na anak ng biktima na umiiyak sa loob at humihingi ng tulong. 

Kumatok si Arnaiz sa pinto ng bahay ng biktima pero sa  kabila ng paulit ulit na katok ay hindi ito sumasagot  kaya humingi ng tulong sa iba pang ka­pitbahay at puwersahang binuksan ang pinto.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay nadiskubre ang walang buhay na biktima habang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang cable wire.

vuukle comment

ARNAIZ

AYON

BAESA

BRGY

ERIC LAZO

MARVELINA ESCANDOR

QUEZON CITY

RICARDO ARNAIZ

SITIO PAJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with