Coed nabiktima ng budol-budol
MANILA, Philippines - Nabiktima ang isang magandang estudyante ng international school ng isang bading na miyembro ng budol-budol gang kamakalawa sa Taguig City.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Anna, ng Treston International School na matatagpuan sa Bonifacio Global City ng naturang lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon sa harapan ng naturang international school ay nakatayo ang biktima nang ito ay lapitan ng isang bading at agad na hinawakan sa braso at nagsabing gagawin siyang modelo.
Napapayag ang biktima at tila ginamitan ito ng hipnotismo kaya’t naisama siya sa DuÂchess Spa sa loob ng Serendra Condominium at pinasok sa isang kwarto at pinagpalit ng damit upang sumailalim umano sa body scrub upang maÂging maganda sa isang photo shoot na isasagawa sa kanya.
Sumunod naman ang biktima sa lahat ng sinasabi ng suspek at lumipas ang ilang oras ay nainip ito at hinanap ang baÂding at doon lang niya natuklasan na nawawala ang kanyang bag na nagÂlalaman ng mga mamamahaling cell phone at pera.
- Latest




















