Misis ginulpi ng mister na pulis
MANILA, Philippines - Black eye ang kaliwang mata at panay umano pasa ang katawan ng isang ginang matapos na siya ay gulpihin ng kanyang mister na pulis sa gitna ng kanilang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Baliwasan Grande, Zamboanga City.
Ang biktima na nagsampa ng reklamo ay nakilalang si Indira Pulalon, 37-anyos laban sa mister nitong si PO2 Al -Gamal Pulalon, 38-anyos, nakatalaga sa Basilan Police Provincial Office, Police Regional Office ARMM.
Batay sa ulat, bandang ala-1:31 ng hapon ay nagkaroon ng pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan ang mag-asawa sa loob ng kanilang bahay.
Napikon umano ang nasabing pulis kaya’t pinagsusuntok ang ginang na tinigilan lang nang halos hindi makagulapay sa tinamong gulpe at pagkatapos ay umalis ng bahay ang una.
Nagdesisyon naman ang ginang na ipagharap ng reklamo ang nasabing mister na inaresto ng mga kabaro nitong pulis.
- Latest















