^

Police Metro

P.2-M sa simbahan, ninakaw

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit P200,000 halaga na laman ng isang vault sa simbahan ang natangay ng hindi pa kilalang mag­nanakaw na dumaan sa bu­bungan at kisame ng sim­bahan sa Cubao, Quezon City.

Sa reklamo ni Senior Pastor Vicente Buenaven­tura, 65, na nadiskubre ang pagnanakaw ng pumasok ang kanilang office staff na si Claire Agusan noong Martes ng alas-8:30 ng umaga.

Sa pagsisiyasat, pina­sok ng hindi natukoy na suspek ang kuwarto ni Bue­na­ventura sa pagitan ng alas-7:30 ng gabi hang­gang alas-8:30 umaga sa pamamagitan ng pagdaan sa bubungan bago tuluyang binutas ang kisame ng Jesus Messiah Global Church na matatagpuan sa no. 905 Aurora Blvd., kanto ng Har­vard St., Brgy. E. Rodriguez sa lungsod.

Nabatid na ikinandado ng caretaker na si Rele Go­yala ang simbahan na binabantayan pa ng secu­rity guard kung kaya kam­panteng hindi mapapasok ito.

May kabuuang halaga na P215,132.95 cash ang natangay ng mga suspek na kinuha mula sa tanggapan ni Buenaventura.

 

vuukle comment

AURORA BLVD

BRGY

BUE

CLAIRE AGUSAN

JESUS MESSIAH GLOBAL CHURCH

QUEZON CITY

RELE GO

SENIOR PASTOR VICENTE BUENAVEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with